Nagpaabot ng pagbati ng Department of Tourism (DOT) sa National Museum of the Philippines dahil maaari na rin ito puntahan sa Baler, Aurora
Bagamat kilala ang Aurora sa mga beach sa mga turista ayon sa DOT magiging bagong landmark ang bagong tayong National Museum dahil kakaibang disenyo at natural landscape ng Aurora na makikita dito.
Aniya, makikita sa museum ang ganda ng imahe ng Pacific Coastline at ang Sierra Madre. Makikita rin sa arkitektura ng museo ang imahe ng Banaue Rice Terraces at iba pa.
May laki naman 9,683 square meters ang bagong museo at tamang tama ang lokasyon nito dahil sa parte na ng kasaysayan ang Baler noong panahon ng Espanyol at nagkaroon ng siege of Baler.
Bukas at libreng mapupuntahan ang bagong museo mula alas-9 ng umaga hanggang ala-5 ng hapon.