Photo courtesy of PCG and Coast Guard District Central Visayas
Pinaigting pa ng Coast Guad District Central Visayas ang kanilang ginagawang maritime patrols, safety inspection , monitoring at mga law enforcement activities upang masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero at crew ng mga bumibiyaheng barko ngayong Undas 2026.
Nagsagawa ng inspeksyon sa mga pantalan si Coast Guard District Central Visayas Commander RADM Agapito Bibat upang e-check ang deployment ng kanyang mga tauhan at alamin ang sitwasyon ngayong inaasahan ang pagdagsa ng mga biyahero.
Nakipag-ugnayan sa mga management ng pantalan at mga bumibyaheng barko, mga stakeholder at iba pang law enforcement agencies ang Coast Guard sa Region VII upang matiyak na maipatupad nang maayos ang mga maritime safety protocols ngayong dagsa ang mga pasahero.
Kabilang sa mga sinisiguro ng PCG na hindi overloaded ang mga bumibiyaheng barko kaya payo ng PCG sa mga biyahero na bumili lamang ng ticket sa mga awtorisadong ticketing offices.
Naglagay rin ng OPLAN BIYAHENG AYOS Assistance and Medical Desk ang ang CGDCV upang makatulong sa mga biyahero na ngangailangan ng assistance.