Nakapagtala na ng kabuuang 74,949 katao ang dumalaw sa walong sementeryo sa Caloocan City hanggang alas-dose ng tanghali.
Batay sa monitoring ng LGU pinakamarami ang naitalang bisita sa Sangandaan Cemetery na may 19,637, sinundan ng Tala Cemetery na may 17,671.
Sa iba pang sementeryo sa North Caloocan, nakapagtala ng 9,396 sa Forest Park Memorial, 4,833 sa Serenity Memorial Gardens at 3,788 sa Bagbaguin Cemetery.
Samantala, sa South Caloocan naman, umabot na sa 7,531 ang dumalaw sa La Loma Cemetery, 6,423 sa Eternal Gardens Memorial Park at 5,670 sa San Pancracio.
Asahan pang lumaki ang bilang ng mga taong dadalaw sa mga puntod ng kanilang mahal sa buhay hànggang mamayang gabi.