Tiniyak ni Transportation Secretary Vince Dizon na magpapatuloy ang mga reporma ni LTO Chief Marcus Lacanilao sa kabila ng mga usapin sa sektor ng transportasyon.
Ayon kay Dizon, prayoridad ng pamahalaan na matiyak ang sapat na pampublikong sasakyan para sa mga commuter.
Kasabay nito, kailangang maprotektahan din ang kabuhayan ng mga driver at rider.
Inatasan din ang LTFRB na pabilisin ang renewal ng mga prangkisa, na target matapos bago mag-Pasko.
Hindi rin papayagan ni Dizon na makabalik sa serbisyo ang mga dating tauhan ng LTO at LTFRB na sinibak dahil sa mga paglabag.
Tiniyak ng kalihim na magpapatuloy ang mga reporma ni Lacanilao, anuman ang maging pagbabago sa pamunuan.