Hindi lamang pagkain ang natatanggap ng mga benepisyaryo ng Walang Gutom Program, kundi maging mga oportunidad upang mapaunlad ang kanilang kakayahan at magkaroon ng kabuhayan, alinsunod sa layunin ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang suporta sa mga pamilyang nangangailangan.
Kabilang dito si 23-anyos na Raymund, residente ng Barangay Anislag, Quinapondan, na nagsimula ng skills training sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) noong Agosto 18, 2026.
Sumasailalim si Raymund sa Shielded Metal Arc Welding (SMAW) National Certificate I training, na maaari niyang magamit sa paghahanap ng trabaho o pagbuo ng dagdag na pagkakakitaan.
Bukod sa training, nakatatanggap din siya ng pagkain tuwing Food Redemption at kamakailan ay nabigyan ng ₱2,000 UPLIFT assistance.
Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Walang Gutom Program at TESDA, nabibigyan ang mga benepisyaryo ng pagkakataong magkaroon ng kasanayan at kakayahang makatutulong sa kanilang paghahanapbuhay at pag-abot sa mas matatag na kabuhayan.
📸 DSWD-Walang Gutom Program