Tumaas ang presyo ng ilang mga pangunahing produkto gaya ng bigas at ilang gulay ngayong buwang ito.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), tumaas sa Php 64.30 ang kada kilo ng special rice mula sa ₱64.07 nitong Oktubre
Mas mataas ito kumpara naman sa ₱57.36 na naitalang presyo ng special rice noong Nobyembre ng nakalipas na taon.
Samantala, naitala rin ng PSA ang pagtaas sa presyo ng kada kilo ng Galunggong sa ₱241.73 kumpara sa ₱237.96 nitong Oktubre.
Pumalo naman sa ₱149.52 ang kada kilo ng Carrots buhat sa ₱134.72 kada kilo nitong Oktubre habang nasa ₱148.85 ang kada kilo ng Pulang Sibuyas mula sa ₱145.76 kada kilo na naitala noong isang buwan.