Pormal nang kinilala ang bayan ng Daraga, Albay bilang insurgency-free matapos ideklara ang Stable Internal Peace and Security (SIPS) Status nito.
Pinangunahan ni Daraga Mayor Victor Perete ang declaration ceremony, kasama ang mga lokal na opisyal, kapulisan, at kasundaluhan.
Kasabay nito, nilagdaan ang isang Memorandum of Agreement (MOA) at commitment signing bilang pagpapakita ng patuloy na pagtutulungan at paninindigan ng lokal na pamahalaan, kapulisan, kasundaluhan, at mga mamamayan sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa komunidad.
Hinimok naman ni Perete ang lahat na patuloy na pangalagaan ang nakamit na kapayapaan, na aniya’y mahalagang pundasyon upang higit pang umunlad ang bayan.
Daraga Communications Center