Photo courtesy of Province of Pangasinan
Hindi tumitigil sa pag-responde ang Pangasinan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa mga lugar sa Pangasinan na labis na naapektuhan ng mga nagdaang bagyo at Habagat.
Sa panayam ng programang BOSES kay Pangasinan PDRRMO Head of Operations and Training Unit Vincent Jun Chiu sinabi nitong ongoing pa rin ang isinasagawang assessment sa mga apektadong lugar kung saan siyam na barangay pa rin ang may pagbaha.
Ligtas naman nang nakauwi sa kani-kanilang tahanan ang mga indibidwal na nanatili sa evacuation centers.
Pagdating naman sa datos sa pinsala ng masamang panahon, pumalo na sa inisyal na ₱222 million ang pinsala sa imprastraktura habang nasa mahigit ₱600 million ang napinsala sa sektor ng agrikultura.
Apat na bayan at isang siyudad naman sa Pangasinan ang nagdeklara na ng state of calamity.
Patuloy rin ang ipinatutupad na recovery and rehabilitation plan sa mga apektadong lugar, kasama na ang clearing operations na kapwa pinagtutulungan ng mga TUPAD workers at mga lokal na pamahalaan.