Nanindigan ang National Bureau of Investigation (NBI) na lehitimong operasyon lang ang kanilang ginagawa sa Lungsod ng Taguig at wala itong anomang kahit na anong bahid-politika.
Ito ang naging pahayag ni NBI Director, Atty. Melvin Matibag kasabay ng paglutang ng mga patutsada na politically-motivated ang pagdidiin ng NBI sa Taguig kung saan sinasabi nitong mayroong nangyayaring illegal drug operations.
Giit ni Matibag na hindi naman sila mag-aaksaya ng lakas sa NBI kung walang basehan ang mga natatanggap nilang intel.
Sa katunayan ay may nahuli na silang illegal drug peddler at nang sundan nila ito ay dinala rin mismo sila sa source ng iligal na droga na matatagpuan sa nasabing siyudad.
Gayunman hindi na ibinahagi ng NBI ang mismong eksaktong lokasyon ng mga tinitiktikang drug den at lab ng kanilang ahensya.