Photo courtesy of Cong. Arman Dimaguila
Wala nang baha ngayon sa Brgy. Dela Paz sa Biñan, Laguna dahil hinigop at ipinadaloy na ang tubig-baha sa Laguna de Bay sa tulong ng mega water pumps na gawa ng lokal na pamahalaan ng Biñan.
Ayon kay Congressman Arman Dimaguila na siyang nanguna sa proyekto, bilang lungsod na matagal nang problema ang pagbaha tuwing tag-ulan, patuloy ang paggawa nila ng solusyon upang maibsan ang problema ng mga residente.
Ito naman aniya ay temporary lang na pumping station at maaaring ilipat ng lokasyon at inaasahang dadalhin din ang water pumps sa Brgy. Malaban na isa rin sa nakakaranas ng matinding baha sa lungsod lalo na kamakailang tuloy-tuloy ang epekto ng habagat.
Sa ngayon, patuloy naman na isinusulong ni Congressman Dimaguila ang dredging at spillway sa Laguna Lake upang mabawasan ang problema sa baha hindi lang sa Biñan kundi sa mga karatig na probinsya at lungsod na nasa paligid ng lawa.