Nilinaw ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na ang insidente na may tumulong tubig sa isang bagong sa LRT-1 4th generation set ay isang isolated incident at dahil lang sa may nasirang air condition unit.
Sa pahayag na inilabas ng LRMC, nasira ang drain line valve ng aircon kaya tulumo ang tubig, aminado naman ang pamunuan na hindi nila inaasahan na agad na masisira ang aircon dahil hindi pa ito umaabot sa ang 3-5 years lifespan.
Sa ngayon tinanggal na ang bagon mula sa linya at pinalitan na ang sirang valve ng aircon. Tinitiyak naman ng LRMC na ligtas ito na masasakyan ng mga pasahero bago ito ibalik sa linya.
Paiigtingin naman ng LRMC ang kanilang maintenance kasunod ng insidente at mula 10000 kilometers gagawin nang 5000 kilometers ang inspection frequency ng mga drain valve.
Plano na rin nilang palitan ang mga drain valve ng iba pang mga tren upang maiwasang maulit pa ang insidente.