Humihingi ang Pilipinas ng suporta mula sa International Labour Organization o ILO para sa mahahalagang labor at employment initiatives ng bansa.
Pinangunahan ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Francis Tolentino ang delegasyon ng Pilipinas sa bilateral meeting kay ILO Director-General Gilbert Houngbo, sa sidelines ng 29th ASEAN Labour Ministers’ Meeting at Related Meetings.
Inilahad ni Secretary Tolentino ang mga prayoridad ng Pilipinas na nangangailangan ng suporta ng ILO. Kabilang dito ang pagkapangulo ng bansa sa 115th International Labour Conference, ang ratipikasyon ng ILO Convention No. 193 para sa disenteng trabaho sa platform economy, at ang pagpapatupad ng ASEAN labor and employment initiatives sa ilalim ng Philippine ASEAN chairship.
Muling tiniyak ni Director-General Houngbo ang suporta ng ILO at kinilala ang mahalagang ambag ng Pilipinas sa pagsusulong ng disenteng trabaho para sa lahat.
Binigyang-diin naman ni Secretary Tolentino ang patuloy na partnership ng DOLE at ILO para sa decent work, social justice, tripartism, at just transition mga prayoridad na isinusulong din ng ILO.