Opisyal nang isinailalim sa State of Calamity ang bayan ng Bayambang, Pangasinan matapos aprubahan ang Municipal Resolution No. 371, Series of 2026, bunsod ng patuloy na epekto ng mga bagyong “Luis” at “Maymay” at ng pinalakas na Southwest Monsoon o Habagat.
Base sa resolusyon, nagdulot ang magkakasunod na sama ng panahon at patuloy na pag-ulan ng malawakang pinsala at pagkalugi sa sektor ng agrikultura, na direktang nakaapekto sa kabuhayan ng maraming magsasaka sa bayan.
Kabilang sa mga pangunahing tinukoy na epekto ang pinsala sa mga pananim at iba pang agricultural resources, na nagresulta sa malaking pagkalugi ng mga magsasaka at nagbunsod ng pangamba sa kanilang patuloy na kabuhayan.
Sa pamamagitan ng deklarasyon ng State of Calamity, inaasahang mapapabilis ang pagtugon ng lokal na pamahalaan sa mga pangangailangan ng mga apektadong residente, partikular ang mga magsasaka at iba pang sektor na lubhang nasalanta ng kalamidad.