Inaprubahan ng mga lider ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang ASEAN Declaration on Foundational Learning, isang regional policy initiative na pinangunahan ng Pilipinas.
Layon nitong matiyak na may matibay na pundasyon sa literacy, numeracy, at socio-emotional skills ang kabataan sa Timog-Silangang Asya.
Binuo ito ng Department of Education (DepEd) sa ilalim ng Philippine ASEAN Chairship, at pormal na inaprubahan sa 49th ASEAN Summit.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, higit pa ito sa isang high-level policy, dahil sama-samang pangako ito ng mga bansa sa rehiyon na mabigyan ng maagang suporta ang bawat batang mag-aaral.
“Building a strong, competitive region starts with the basics: giving every child a solid grip on reading and math from the very beginning,” ani Angara.
Kasunod nito, bubuo ang Pilipinas ng implementing roadmap at ilulunsad ang ASEAN Academic Recovery and Catch-Up Program.
Sa Pilipinas, ipinatutupad na ng DepEd ang Academic Recovery and Accessible Learning o ARAL Program.
Batay sa third-party evaluations, humigit-kumulang 1.37 milyong mag-aaral ang nakalagpas na sa pagiging struggling readers, habang 730,000 pa ang umabot na sa tamang antas ng pagbasa para sa kanilang baitang. | ulat ni Diane Lear