Lumampas na sa critical high threshold ang lebel ng tubig sa Laguna de Bay ngayong araw, Agosto 29.
Batay sa abiso ng Laguna Lake Development Authority (LLDA), umabot sa 12.58 metro ang average water level ng lawa alas-3 ng hapon, mas mataas sa kritikal na antas na 12.50 metro.
Ayon sa LLDA, bunsod ito ng patuloy na malalakas na pag-ulan na dala ng Habagat at Low Pressure Area.
Pinapayuhan ang mga residenteng nakatira sa paligid at baybayin ng Laguna de Bay na manatiling alerto at mapagmatyag.
Hinihikayat din ang publiko na maghanda sa posibleng pagbaha at sundin ang mga itinakdang evacuation protocol ng lokal na pamahalaan sakaling magpatuloy ang pag-ulan.