Nagsagawa ang Philippine Coast Guard (PCG) at Japan International Cooperation Agency (JICA) ng limang araw na Instructor Candidate Course on Criminal Investigation sa Taguig City.
Isinagawa ang pagsasanay mula June 22-26, 2026, sa pangunguna ng mga instructor mula sa Japan Coast Guard (JCG) na pinangunahan ni Commander Takanori Akagi.
Layunin ng training na palakasin ang kakayahan ng mga kalahok sa crime scene investigation, fingerprint collection, paggamit ng DSLR camera, at paghahanda at presentasyon ng crime scene investigation reports.
Ayon sa PCG, bahagi ito ng direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang international cooperation sa pagpapaunlad ng maritime law enforcement capabilities ng bansa.
Dagdag pa ng PCG, pinatitibay ng pagsasanay ang ugnayan ng PCG, JICA, at JCG sa paghubog ng mas handa at mas epektibong mga tauhan para sa maritime security operations.

