Bagamat nananatiling nakataas sa “full alert status” ang buong hanay ng National Capital Region Police Office (NCRPO), walang namo-monitor na security threat o banta sa seguirdad ang pulisya sa paglipat ng kilos-protesta at pagtitipon-tipon ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Liwasang Bonifacio sa Maynila mula sa People Power Monument sa Quezon City.
Pero sa kabila nito, ayon kay Police Maj. Hazel Asilo, tagapagsalita ng NCRPO, patuloy na nakabantay sa sitwasyon ang pulisya at nag-deploy na ng sapat na tauhan sa koordinasyon sa Manila Police District.
Una nang sinabi ng NCRPO na mahigit 1,000 pulisya ang ide-deploy sa Liwasang Bonifacio para tiyakin ang kaayusan at seguridad sa lugar, at posible pang madagdagan kung kinakailangan.
Bukod pa sa puwersa ng pulisya na magbabantay sa paligid ng Palasyo ng Malacañang.