Photo courtesy of Bangko Sentral ng Pilipinas
Kinumpirma ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na muling itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr sila Walter Wassmer at Jose Querubin bilang Monetary Board Member.
Sila MB Wassmer at Querubin ay itinalaga nuong July 2024 at September 2024.
Sila ay magsisilbi sa makapangyarihang Monetary Board hanggang July 2032.
Mainit naman tinanggap ni BSP Governor at Monetary Bard Chair Eli Remolona Jr. ang muling pagkakatalaga sa dalawang opisyal, kung saan pinuri niya ang naging ambag ng mga ito sa mga polisiya ng Central Bank.
Dagdag pa ng BSP Chief, ang kanilang expertise sa financial markets, commercial banking, at risk management ay nagpapatatag sa kaalaman ng lupon sa ekonomiya, serbisyo publiko at negosyo.