Mas mabilis na pagpoproseso ng mga bagong biling sasakyan matapos ipinag-utos ng Land Transportation Office (LTO) sa mga dealer ng sasakyan sa bansa.
Pinaalalahanan ni LTO Assistant Secretary Chief Markus Lacanilao ang mga car dealer na dapat nakarehistro at accredited ang mga ito.
Ito rin ang naging paalala ni Asec. Lacanilao sa publiko hinggil sa mga kolorum na car dealer sa bansa dahil sa mabagal na pagproseso ng mga dokumento.
Base pa sa imbestigasyon ng LTO, bultuhan ang pagpapasa ng mga aplikasyon at mga dokumento ng mga dealer sa ahensya kung kaya’t mabagal ang proseso nito, bagay na ipinagbabawal ng LTO.
Nabisto rin ng ahensya ang modus operandi ng mga dealer na hindi naglalagay ng petsa sa mga sales invoice ng kanilang sasakyan na mayroong bisa lang ng pitong araw at bibigyan ang kanilang mga customer ng apat hanggang limang kopya ng nasabing dokumento.
Binigyang-diin pa ni Asec. Lacanilao na magbubukas sila ng bagong opisina na tututok sa nasabing problema na kung saan marami na ang mga nabiktima.
Dagdag pa ng opisyal, mayroong sistema ang LTO na ginagamit para sa mga accredited dealer kaya mabilis na ang proseso.
Maglalabas din ang LTO ng listahan ng mga accredited dealer ng mga sasakyan upang maprotektahan ang mga publiko. | via Christopher Tirambulo