Proud na proud si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang magpaabot ng pagbati sa Filipina tennis sensation na Alex Eala para sa pagkapanalo nito sa third round ng 2026 Wimbledon Championships.
Sa media interview sa Vancouver, Canada, inilarawan ng pangulo si Eala bilang world-class at terrific, na nagsisilbi aniyang inspirasyon sa mga kabataang Pilipino.
“Biruin mo, mayroon na tayong player, babae pa, na nanalo sa third round in Wimbledon. It does not get…Tennis does not operate at a higher level than Wimbledon, so she’s really world-class. She’s terrific,” —Pangulong Marcos Jr.
Sabi ng Pangulo, noong unang beses pa lamang manalo ni Eala, alam na niya na marami pa itong tagumpay na masusungkit.
Bilin ng pangulo sa atleta, ipagpatuloy ang pagpapamalas ng kaniyang galing, lalo’t ang mga Pilipino, patuloy na naka-suporta sa kaniya.
“Congratulations, Alex. Keep it up. We’ll all be here. The whole Filipino nation is cheering you on. We know that you are fighting for making proud and bringing luster and honor to the Philippines. Keep going, keep going, keep going. We are behind you.” —Pangulong Marcos Jr.