Higit pa sa produktibo ang ginawang opisyal na pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Canada, simula July 1 hanggang July 4, 2026.
Bukod kasi sa kaliwa’t kanang investment pledges, ini-akyat ng Pilipinas at Canada sa isang Strategic Partnership ang bilateral relations nito.
“I have tasked the Secretary of Foreign Affairs, Maria Teresa Lázaro, to work together with Canadian Foreign Minister Anita Anand to create a plan of action focusing on joint initiatives that will help both our countries adapt to shifting global realities, address shared challenges, and build capacities for future ready partnerships.” —Pangulong Marcos Jr.
Hudyat ito ng panibagong yugto ng balikatan sa pagitan ng Vancouver at Maynila.
“This takes into account current global and regional developments, including rapid changes in technology, as well as social and environmental challenges that bring together uncertainty and volatility. And this seems that will have an impact on the future of our two nations.” —Pangulong Marcos Jr.
At magbubukas ng mas maraming merkado at oportunidad para sa Canadians at mga Pilipino.
“Mahaba na ang pagkakaibigan ng ating mga bansa, at halos isang milyong Filipinos ang dito na naninirahan sa Canada. Ngunit sa byahing ito, ating minarapat na paigtingin at isulong ang mga importanteng pakikipag-ugnayan sa Canada sa larangan ng seguridad, kalakalan at komersyo at iba pa.” —Pangulong Marcos Jr.
Bukod dito, pumalo sa 2.5 billion USD ang investment pledges na bitbit ng pangulo, sa paguwi nito sa Pilipinas.
Partikular na dito ang plano ng OceanaGold Corporation na palawigin ang operational life ng world-class Didipio Gold-Copper Mine hanggang 2037, kasabay ng muling pagsisiguro na imi-minimize ang environmental footprint ng kanilang operasyon sa Nueva Vizcaya at Quirino.
Ang B2Gold Corp, na isa ring Canadian mining company at Filminera Resources Corp. nagpahayag ng commitment kay Pangulong Marcos Jr. para sa pag-gastos ng 14 million USD para sa expansion ng solar powerplant ng Masbate Gold Project at exploration programs.
Habang sa pakikipag-pulong ng Pangulo sa mga kinatawan ng NQX, natalakay ang planong business expansion program sa bansa, na tinayang nagkakahalaga ng 10.3 million USD.
Para ito sa high-tech customer experience at software engineering operations, na layong palawakin rin ang Canadian footprint sa Pilipinas.
Bukod sa mga pangakong pamumuhunan na ito, naselyuhan rin ng Pilipinas ang mga kasunduan sa para sa pagpapalakas ng kooperasyon sa turismo, paggawa, critical minerals at energy, sa pagitan ng Pilipinas at Canada.
“Tunay na naging matagumpay ang ating biyahe kung saan napagsang-ayunan natin ang ilang mga inisiyatibo sa hanay ng gobyerno at ng pribadong sektor,” the President noted. “Hard work, though, does not end here. Patuloy tayong magsisikap upang ang ating nakamit at nasimulan sa Canada ay yayabong at madarama ng mas nakakaraming Pilipino.” —Pangulong Marcos Jr.