Inaasahang kahaharapin ng Guam at Northern Mariana Islands ang mapaminsalang hurricane-force winds at bugso ng ulan dahil sa Super Typhoon Bavi, ayon sa US National Weather Service.
Batay sa ulat ng CNN, nananatili ang mga residente ng Saipan at Tinian na matatagpuan 75 miles sa hilaga ng Rota. Maituturing na ikalawang super typhoon na ito na muling tatama sa rehiyon ngayong taon.
Katulad ng Guam, maaari ring makaranas ang Saipan at Tinian ng Category 1 wind na hihigit sa 74 miles kada oras.
Kasalukuyan pa ring walang kuryente ang ilang bahagi ng Saipan at Tinian habang bumabangon mula sa pagtama ng Super Typhoon Sinlaku noong Abril na may lakas na Category 4 at hangin na umabot sa 185 miles kada oras.
Inaasahang lalabas ang Super Typhoon Bavi na kasalukuyang kumikilos pakanluran sa bilis na sampu hanggang labing-tatlong milya kada oras.
Matatandaan na nasa Rota rin ang ilan sa mga pinakamahalagang US military installation sa Pacific Ocean.
(Screengrab: US National Weather Service Guam FB Page)