Photo courtesy of Senate of the Philippines FB
Nagkaroon ng caucus ang majority senators ngayong umaga bilang bahagi ng paghahanda para sa pagsisimula ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte mamayang hapon.
Ayon kay Senate President Sherwin Gatchalian, mga huling usapin kaugnay ng impeachment trial ang naging agenda ng kanilang caucus.
Gayunman, hindi na ito idinetalye ng Senate President.
Iginiit ni Gatchalian na handa na ang lahat para sa pagsisimula ng paglilitis mamayang hapon.
Samantala, sa ngayon ay wala pa umanong impormasyon si Gatchalian kung personal na pupunta si Vice President Sara Duterte sa Senado para sa pagbubukas ng paglilitis laban sa kanya.
Patuloy, aniya, ang koordinasyon at pakikipagtulungan ng Senado sa PNP upang matiyak na magiging maayos ang sitwasyon sa loob at labas ng Senado ngayong araw.
Muli ring binigyang-diin ng Senate President na siya ang magsisilbing presiding officer ng impeachment court, alinsunod sa kanilang mga patakaran.