Iniutos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagpapalakas ng papel ng mga local government unit sa pangangalaga sa West Philippine Sea.
Sa ilalim ng programang Bayanihang Aksiyon para sa Kanlurang Dagat ng Pilipinas, katuwang ng DILG ang 10 lalawigang nakaharap sa West Philippine Sea upang maprotektahan ang yamang-dagat, kabuhayan ng mga mangingisda, at seguridad sa pagkain.
Bahagi ng programa ang pagbuo ng Provincial Action Plans na magsisilbing gabay ng mga LGU sa pagpapatupad ng mga lokal na programa para sa pangangalaga ng karagatan.
Natapos na ang mga provincial caravan sa walong lalawigan, habang isinasapinal na ang mga aktibidad sa Batangas at Batanes.
Ayon sa DILG, nagpatibay na rin ng mga ordinansa at iba pang lokal na polisiya ang ilang lalawigan upang maitatag ang West Philippine Sea Councils para sa tuloy-tuloy na koordinasyon sa pangangalaga ng karagatan.
Sinabi ng DILG na layunin ng programa na palakasin ang kakayahan ng mga LGU sa pagprotekta sa yamang-
dagat, kabuhayan ng mga mangingisda, at karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.