Naka-heightened alert na ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon bilang paghahanda sa posibleng epekto ng Super Typhoon Inday o Bavi.
Pinangunahan ni Mayor Jeannie Sandoval ang Pre-Disaster Risk Assessment meeting upang tiyakin ang kahandaan ng mga ahensya ng lungsod, 21 barangay, at iba pang katuwang sa pagtugon sa anumang emergency.
Nakahanda na ang mga search and rescue team, relief goods, mga ospital at health center, gayundin ang 40 pumping station at 43 evacuation center para sa mga residenteng maaaring maapektuhan ng malakas na ulan at pagbaha.
Inatasan din ang mga opisyal ng barangay na magsagawa ng mahigpit na monitoring at preemptive evacuation kung kinakailangan.
Nanawagan ang lokal na pamahalaan sa publiko na bantayan ang mga opisyal na abiso at makipagtulungan sa mga awtoridad upang matiyak ang kaligtasan ng lahat.