Nanumpa, at binusisi na sa impeachment court ang unang testigo ng prosekusyon na si NBI Agent John Mark Calilung.
Sa pamamagitan ni Atty. Virgil Litugan, isa sa counsel ng mga panel of prosecutors ipinakilala si Calilung na agent na isa sa nag-imbestiga sa grave threats case laban kay Vice President Sara Duterte.
Si Calilung ang nag-identify, preserve, collect at authenticate ng online press conference ng bise presidente noong November 23, 2024 kung saan nangyari ang umanoy pagbabanta.
Ayon kay Calilung, bago nya i-preserve ang video nagrequest muna siya sa META at inacknowledge umano ito.. kaya agad niyang ini-screen record ang video at inauthenticate ito upang magamit na ebidensya.
Giit naman ni Calilung nakita ng NBI na nararapat lang imbestigahan ang video at pahayag ng bise nang sabihin na nito na may kinausap na siyang papatay kina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr, First Lady Liza Marcos at dating House speaker Martin Romualdez kung may mangyayare sa kanya. | ulat ni Louisa Erispe