Ipinaliwanag naman ni Energy Undersecretary Alessandro Sales ang dahilan ng mataas pa ring presyo ng langis kahit pa bumaba na ang presyo ng Dubai crude oil sa merkado.
Bagamat magandang balita ang paglalaro ngayon ng presyo ng krudo mula Dubai sa 60 hanggang 80 dollars kada bariles ay hindi pa ito agad mararamdaman sa bansa.
Paliwanag ni Undersecretary Sales na ang pinagbabasehan kasi ng presyo ng langis ng bansa ay ang by-product fuel mula sa Means of Platts Singapore o MOPS kaya hindi pa rin gaano maramdaman ang malakihang pagbaba sa presyuhan.
Ngunit kumpiyansa ang DOE na sa mga susunod na buwan ay mararamdaman na rin ng mga konsyumer at motorista ang malaking pagbaba at posibleng pre-war pricing ng produktong petrolyo. | via Eph Gaytos