Kinumpirma ng Department of Energy (DOE) na balik na sa normal ang lahat ng major power grids sa buong bansa kasunod ito ng restoration ng karagdagang generating capacity sa Visayas.
Ayon kay Energy Undersecretary Mario Marasigan nasa normal na operasyon na ang Luzon grid na may power demand na 16,623 megawatts na sapat naming nasusuplayan ng energy grid.
Maging ang Visayas grid nakawala na rin sa yellow alert status nito matapos ang matagumpay na synchronization ng Panay Energy Development Corporation o PEDC Unit 3 sa Visayas grid na nakadagdag ng 150 megawatts sa Sistema.
Sa kabila nito ay patuloy ang pagpapataas ng Department of Energy sa energy supply at stability ng Visayas bunsod ng tumataas na energy demand na direktang iniuugnay sa lumalago pang ekonomiya ng Visayas