UCC Atty. Castro
Handa na ang Philippine National Police (PNP) na magbigay ng seguridad sa ika-49 ASEAN Summit na gaganapin sa November 2026.
Ayon kay Communications Usec. Claire Castro, ongoing na ang mga paghahanda ng pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan ng mga lider mula sa iba’t ibang bansa, mga delegado, bisita, at ng publiko.
Ang PNP aniya, una nang siniguro na magiging ligtas at maayos ang buong summit.
“The Philippine National Police is ready to secure the 49th ASEAN Summit this November 2026. We are committed to ensuring the safety of participating heads of state, delegates, guests, and the public and maintaining peace and order throughout the event,”- Castro.
Patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng PNP sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, LGU, at iba pang katuwang para sa paghahanda sa seguridad at pagtugon sa anomang posibleng banta.
“The PNP assures the public that we are taking this responsibility seriously. We will remain alert, professional, and ready to help ensure the safe, peaceful, and orderly conduct of the Summit,” – Castro.
Kaugnay naman sa mga nais magsagawa ng kilos-protesta, sabi ni Castro, iginagalang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang karapatan ng bawat Pilipino na magpahayag ng kanilang saloobin at hinaing.
“Ang nais ng Pangulo iparating sa ating mga kababayan na ang inyong karapatan na manawagan, magsabi ng inyong hinaing ay karapatan. Hindi po ito ipinagbabawal,” – Castro.
Gayunpaman, nanawagan ang Palasyo na panatilihing maayos at mapayapa ang mga aktibidad habang tinatanggap ng Pilipinas ang mga dayuhang lider at delegado.
“Mas magandang i-welcome natin ang ating mga bisita at kung kayo naman ay mayroong hinaing, ito naman ay maaari ninyong sabihin sa ibang araw,” – Castro.