Ikinalugod ng Malacañang ang pag-apruba ng Kamara sa proposed 2027 budget ng Office of the President (OP) na nagkakahalaga ng ₱10.15 billion.
Binanggit ni Executive Secretary Ralph Recto ang naging pahayag ni Bataan 2nd District Rep. Albert Garcia, kung saan pinuri nito ang mabilis na spending reduction at transparency measures ng OP.
Sinabi rin aniya ng mambabatas na ang pondong ito ay mas mababa ng 64.02% kumpara sa 2026 national budget, at nasa 0.14% lamang ng kabuuang ₱7.2 trillion national budget.
Pinuri rin aniya ng mambabatas ang tila paghihigpit ng sinturon ng OP, lalo’t para aniya sa pinakamataas na tanggapan ng gobyerno, hindi ganoon kalaki ang hinihinging budget ng tanggapan.
Kung matatandaan, sa nagpapaatuloy na budget hearing para sa pondo sa susunod na taon, ang OP delegation ay pinamumunuan ni ES Recto.