Taos-puso ang pasasalamat ng mga residente ng Oton, Iloilo dahil sa mas pinalakas na pagpapatupad ng Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients (MAIFIP) program.
Ayon kay Oton, Iloilo Vice Mayor Jose Neil Olivares, isa ang Oton sa mga bayan sa Iloilo na may mataas na pangangailangan sa ganitong medical program ng pamahalaan.
Giit ng opisyal na sa kanilang bayan pa lang ay aabot na sa 6,000 residente ang itinuturing na indigents na direktang makikinabang sa MAIFIP.
Sa tulong kasi nito ay mas madaragdagan na ang medical options ng mga indigent at financially incapacitated patients dahil saklaw din ng MAIFIP kahit ang mga pribadong ospital.