Itinanggi ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na siya ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang oil at gas exploration ng Pilipinas at China noon.
Ito ay kasunod ng pahayag na inilabas ng Chinese Embassy, kung saan inakusahan nito si Teodoro na siya umano ang nagsabotahe sa kasunduan ng dalawang bansa noong 2018.
Nilinaw nalaman ng kalihim na kinansela ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang 2018 framework noong 2022 dahil sa pagiging “potentially constitutionally problematic” nito, base na rin sa payo noon ni dating Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr.
“That is illegal. That is illegal. Why? Firstly, yung joint exploration lang, sinabing illegal ng Supreme Court. Secondly, ito yung framework na sinasabi nila, na tinuturo nila sa akin, kinancel ni President Duterte mismo kasi may constitutional problem.
Thirdly, wala tayong overlapping claims kasi sabi sa arbitral award, ang claims ng China ay fictitious. So ano ang basis for a joint oil and gas exploration?,” ani Teodoro. Ayon pa kay Teodoro, kung siya man ang nasa sitwasyon noon, 100 porsyento rin siyang sasang-ayon sa pagkansela, dahil labag ito sa Konstitusyon at walang batayan ang nasabing usapin sa China.