DND Secretary Teodoro, tiniyak na nananatiling propesyonal at non-partisan ang AFP sa kabila ng nagpapatuloy na impeachment proceedings laban kay VP Sara Duterte
Iginiit ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na hindi na kinakailangan pang paalalahanan ang mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines o AFP na manatiling non-partisan at propesyunal sa pagsisimula ng Impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ani Teodoro, normal nang parte ng constitutional process ang nangyayaring impeachment proceedings at hindi na kailangan pang idawit sa usaping ito ang military para bumuo ng ingay politika.
Mensahe pa ni Teodoro sa mga patuloy na humihikayat sa mga miyembro ng AFP na pumanig sa kanilang pinaglalaban na wala umano itong kararatnan.