Nanawagan si House prosecution spokesperson at Akbayan Party-list Rep. Chel Diokno na ituon ang pansin sa mga ebidensyang inilalatag sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa halip na pag-usapan ang umano’y planong “no-election” o “no-el” sa 2028.
Ito ang naging tugon ni Diokno nang tanungin tungkol sa pahayag ni Duterte Spokesperson Atty. Paolo Panelo na may plano umano ang Kamara na kanselahin ang susunod na halalan.
Ayon kay Diokno, wala siyang narinig na ganitong talakayan sa Kamara, maliban sa impormasyong galing mismo sa media.
Giit ng kongresista, malinaw na labag sa konstitusyon ang pagkansela sa mga nakatakdang halalan.
Para kay Diokno, mas mahalagang pagtuunan ng pansin ang mga isyung tinatalakay sa impeachment proceedings dahil ang pagresponde sa mga ganitong pahayag ay naglilihis sa usapan mula sa mga pangunahing isyu ng kaso.
Giit niya, higit na dapat mabigyang-pansin ng publiko ang mga ebidensyang inilalahad sa impeachment trial.