Kinuwestiyon ni Senator-Judge Kiko Pangilinan ang probative value o bigat ng testimonya ni Atty. Ranier Dela Fuente matapos nitong aminin na hypothetical questions lang ang sinasagot niya sa impeachment trial.
Tanong ni Pangilinan, ano ang maiaambag ng testimonya ni Dela Fuente kung hindi naman nakabatay sa aktwal na mga pangyayari at ebidensya ang kanyang mga sagot.
Binigyang-diin ng senator-judge na kung magbibigay ng legal na opinyon ang isang testigo, dapat ay alam nito ang mga kaugnay na katotohanan para mailapat nang tama ang batas.
Inihalintulad pa niya ito sa isang law student na tinatawag sa recitation pero hindi naman nabasa ang kasong ipinapaliwanag.
Tugon naman ni Dela Fuente, tinawag siya para magbigay-linaw sa mga pamantayan sa ilalim ng Anti-Money Laundering Act at sa karaniwang proseso ng financial investigation.
Sa huli, giniit ni Pangilinan na dapat isaalang-alang ng impeachment court na hypothetical ang mga pahayag ng testigo.