Pinuna ni Senator-Judge Raffy Tulfo ang agarang pagbibigay ng opinyon ni Atty. Ranier Dela Fuente sa forensic report ng prosecution expert na si Atty. Alexander Cabrera, kahit unang beses pa lang niya itong nakita.
Una nang inamin ng testigo na hindi niya nabasa bago ang trial ang forensic report na prinepresenta ng Cabrera tungkol sa financial statements nina Vice President Sara Duterte at asawa nitong si Atty. Manases Carpio.
Ayon kay Tulfo, dapat munang basahin, pag-aralan at suriin nang mabuti ng isang expert witness ang dokumentong hinihingan sa kaniya ng opinyon bago ito magbigay ng pagsusuri.
Iginiit naman ni Dela Fuente na hindi niya kinokontra ang buong forensic report, kundi ang bahaging ipinakita lang sa kaniya.
Paliwanag niya, hypothetical ang mga tanong na ibinato sa kaniya kaya hypothetical din ang kanyang mga sagot.
Wala rin aniya siyang personal na kaalaman sa buong report at hindi siya nagbibigay ng tiyak na konklusyon tungkol dito.