Nagsagawa ng Change of Command Ceremony ang Naval Forces Eastern Mindanao (NFEM) ng Philippine Navy sakay ng BRP Rajah Lakandula (PS-21) sa Captain Feranil Pier, Naval Station Felix Apolinario sa Panacan, Davao City, kahapon, Setyembre 23, 2026.
Pormal na isinagawa sa seremonya ang paglilipat ng pamumuno mula sa outgoing Commander ng NFEM na si Commodore Ireneo Battung PN kay Captain Leo Dimoc PN (GSC) bilang bagong Acting Commander ng NFEM.
Layunin ng seremonya na pormal na kilalanin ang pagbabago ng pamunuan at ipagpatuloy ang operasyon at kahandaan ng naval force sa Eastern Mindanao.
Pinangunahan ni Flag Officer in Command ng Philippine Navy Vice Admiral Jose Ma. Ambrosio Ezpeleta PN ang seremonya.
Pinuri ni Ezpeleta si Commodore Battung sa mga naging tagumpay at ambag nito sa panahon ng kanyang panunungkulan bilang Commander ng NFEM. Hinikayat din niya si Captain Dimoc na ipagpatuloy ang misyon at pamumuno sa naval force sa Eastern Mindanao.
Sa kanyang mensahe, ipinahayag ni Commodore Battung ang kanyang tiwala sa mga tauhan ng NFEM at binigyang-diin ang kanilang dedikasyon at commitment sa kanilang tungkulin.
Sinabi ni Battung na hindi isang pasanin kundi isang pangako ang kanyang ipinapasa sa kanyang kahalili—ang pamumuno sa mga tauhang dedikado, may kakayahan at ipinagmamalaki ang kanilang paglilingkod sa bayan.
Magreretiro na sa aktibong serbisyo militar si Commodore Battung matapos ang 37 taon ng paglilingkod sa bansa.
Nagtapos siya sa Philippine Military Academy bilang miyembro ng “Maalab” Class of 1993 at nagsilbi sa iba’t-ibang leadership at command positions sa kanyang karera sa Philippine Navy.
📸 NFEM