Pinaghahandaan ng Department of Energy (DOE) ang pagpapalawak ng power generation capacity sa Mindanao.
Halos 20% ng mga planong proyekto ng kuryente ay nakatutok sa renewable energy habang pinapalakas ng ahensya ang grid ng higit 4,500 megawatts hanggang 2031.
Ayon sa DOE Mindanao Field Office, para sa 2026 hanggang 2031, may 30 proyektong nakatakdang itayo sa Mindanao na may kabuuang kapasidad na 1,323.915 megawatts, habang may 37 pang nakaplanong proyekto na aabot sa 3,256.98 megawatts ang kapasidad.
Kapag pinagsama, ang mga proyektong ito ay magdaragdag ng kabuuang 4,580.895 megawatts na posibleng suplay ng kuryente.
Bahagi ito ng hakbang ng DOE na palakihin ang suplay at reserba ng kuryente sa Mindanao grid para tugunan ang tumataas na demand ng mga mamamayan.