Tumanggap ng mga donasyong kagamitan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) mula sa Junior Chamber Interantional (JCI) Manila para sa Bayanihan sa Estero Program ng ahensya.
Personal na tinanggap nina MMDA Chairman Atty. Don Artes at iba pang opisyal ang naturang donasyon sa ginanap na flag-raising ceremony sa MMDA Head Office, Pasig City.
Kabilang sa mga ipinagkaloob ang 150 pares ng boots at gloves na gagamitin ng mga tauhan ng MMDA sa pagsasagawa ng mga clean-up activities sa mga estero at iba pang waterways sa Metro Manila.
Nagkaloob din ang JCI Manila ng isang commemorative chair na gawa mula sa mga plastik na nakolekta sa cleanup operations, na sumisimbolo sa kahalagahan ng recycling at responsible waste management.
Nagpapasalamat ang MMDA sa JCI Manila sa patuloy na pakikiisa at suporta sa mga programa para sa mas malinis, ligtas, at maayos na Metro Manila.