Photo courtesy of Land Bank of the Philippines FB
Pinangunahan ni Land Bank of the Philippines Chair at Finance Secretary Frederick D. Go ang pagsusulong ng mas mababang bayarin sa digital transactions, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na gawing mas mura at mas abot-kaya ang money transfers para sa mga Pilipino.
Ayon sa Department of Finance, nanguna ang LandBank sa mga reporma para pababain ang gastos sa araw-araw na digital transactions, kabilang ang InstaPay fund transfers.
Dahil dito, mas nakakatipid ang mga Pilipino sa pagpapadala ng pera sa pamilya, pagbabayad ng bills, at pagpapatakbo ng maliliit na negosyo.
Sinabi ng DOF, na sinusundan na rin ng iba pang financial institutions ang hakbang ng LandBank sa pagpapababa o pagtatanggal ng transfer fees sa bansa.