Pinaigting ng Coast Guard District Southeastern Mindanao (CGDSEM) ang kanilang mga hakbang sa paghahanda sa sakuna at inilagay sa heightened alert ang lahat ng yunit bilang paghahanda sa posibleng epekto ng Super Typhoon Bavi sa Davao Region.
Sa pahayag ng CGDSEM, sinabi nito na nakaantabay na ang mga Disaster Response Groups (DRGs), search and rescue teams, mga sasakyang pandagat at iba pang response equipment upang agad na maka-responde.
Inilahad nito na patuloy din ang mahigpit na minomonitor ng mga Coast Guard station ang lagay ng panahon at nakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan at iba pang ahensya upang matiyak ang mabilis at epektibong pagtugon sa anumang emerhensiya.
Samantala, muling pinaalalahanan ng CGDSEM ang publiko na manatiling mapagmatyag, sundin ang mga opisyal na weather advisory, at sumunod sa mga direktiba ng mga lokal na awtoridad upang matiyak ang kaligtasan ng lahat.
📸 CGDSEM