Kinilala ng National Nutrition Council (NNC) XI ang Radyo Pilipinas Davao sa pamamagitan ng paggawad ng Plaque of Appreciation para sa patuloy nitong pakikipagtuwang sa pagpapatupad ng Nutrition School-on-the-Air (NSOA), kasabay ng paglulunsad ng ika-52 Nutrition Month ngayong araw.
Sa pakikipagtulungan ng NNC XI at Davao City Health Office, nagsisilbing katuwang ang Radyo Pilipinas Davao sa pagpapalaganap ng kaalaman tungkol sa wastong nutrisyon at malusog na pamumuhay sa mga barangay health worker, buntis at nagpapasusong ina, kabataan, at iba pang miyembro ng komunidad sa pamamagitan ng 10 Kumainments.

Ngayong taon, lumahok sa NSOA ang mga mag-aaral sa senior high school at kolehiyo mula sa iba’t ibang paaralan sa Davao Region, kasama ang mga miyembro ng Davao City Youth Development Office.
Tinanggap ni Kate Laquihon Lao, host ng RP NSOA, ang Plaque of Appreciation para sa Radyo Pilipinas Davao bilang kinatawan ni Assigned Station Manager Marilou De Guzman-Tolentino.