Nilinaw ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. na walang nangyaring loyalty check sa pulong na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Camp Aguinaldo.
Ayon kay Brawner, hindi na kailangan ang loyalty check dahil nananatiling propesyonal ang buong hanay ng AFP. Aniya.
Sinabi ni Brawner na regular ding isinasagawa ang command conference ng AFP na tatlong taon na niyang pinangungunahan.
Kasabay nito, sinabi ng Chief of Staff na hindi na niya pinapansin ang mga maling impormasyon o “fake news,” kabilang ang kumalat na umano’y tumanggap siya ng maleta.
Iginiit ni Brawner na ang mga ganitong isyu ay hindi lamang personal na pag-atake laban sa kanya kundi maging sa organisasyong kanyang pinamumunuan.
Dahil dito, inatasan niya ang buong hanay ng AFP na ipagpatuloy lamang ang kanilang tungkulin at panatilihin matatag ang ating bansa. | ulat ni Diane Lear