Isang Flight mula Maynila ang hindi nakalapag sa Cotabato dahil sa masamang panahon kaninang 11:23 ng umaga
Bigo ngang makaabot sa kanyang destinasyon sa Cotabato ang flight GAP2959 kaninang 11:23 ng umaga dahil sa masamang panahong dulot ng bagyong Inday at Habagat.
Ayon sa tagapagsalita ng Civil Aviation Authority of the Philippines Eric Apolonio imbis na sa Cotabato napilitang lumapag sa Mactan-Cebu International Airport ang eroplano.
Apektado naman dito ang isang daan at pitumput walong pasahero.
Sa ngayon walang signal numbe rna nakataas sa Cotabato pero ayon sa PAGASA nakakaranas ng pag-ulan sa lugar dahil sa Habagat. | ulat ni Louisa Erispe