Inilunsad ng Estados Unidos ang karagdagang serye ng mga pag-atake laban sa Iran upang pahinain ang kakayahan nitong magbanta sa malayang paglalayag sa Strait of Hormuz.
Ito ay ayon sa pahayag ng US Central Command noong Miyerkules.
Batay sa ulat ng CNN, ang naging target ng pag-atake ay ang mga estratehikong lokasyon ng militar sa Iran upang protektahan ang pandaigdigang ruta ng kalakalan sa dagat.
Samantala, sa ulat naman ng Iranian state media, may mga pagsabog sa Bushehr, Bandar Abbas, at Sirik.
Nanindigan ang punong negosyador ng Iran na gaganti sila sa anumang agresyon.
Idiniin niya na ang Strait of Hormuz ay magbubukas lamang sa ilalim ng pamamalakad ng Iran, at hindi dahil sa banta ng Amerika.