Agad na pinulong ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang ibat ibang departamento at sangay ng mga ahensya ng pamahalaang lungsod para paghandaan ang posibleng pananalasa ng Bagyong Inday at Habagat sa Metro Manila.
Ayon sa alkalde, naway ay mapanatili na flood-free ang lungsod tulad ng mga nakaraang lunggo at buwan na nagkaroon ng malalakas na bugso ng ulan.
Pinsalamatan din ni Cayetano ang kanilang mga tauhan sa lungsod dahil mabilis at maayos na koordinasyon para matiyak ang kaligtasan ng ng mga Taguigeños.
Nagpaaalala din naman si Mayor Cayetano sa mga residente na sumunod, maghanda at manatiling alerto upang makaiwas sa sakuna. | ulat ni Louisa Erispe