May ilang pasahero sa Parañaque Integrated Terminal Exchange ang umuwi nalang ngayong at hindi na tumuloy dahil sa mga kanseladong byahe ngayong araw dulot ng Bagyong Inday at Habagat.
Kanina sa ticketing booth may naabutan pa tayo na pasahero na tumangging nagpakuha ng video pero byahe sana ng San Jose Mindoro pero hindi na ito nakabili ng ticket dahil nakalagay sa booth ang signage na cancelled trip due to typhoon.
Imbis naman na manatili sa terminal ang mga pasahero umuuwi nalang o humahanap ngn ibang byahe o ruta.
Sa abiso ng pamunuan ng PITX ang mga kanseladong byahe ngayong araw ay San Jose Occidental Mindoro byaheng Ceres at Jariv Bus mula pa kaninang 5:30 ng umaga hanggang mamayang ala singkong hapon.
Kanselado din ang byahe ng Rorobus at Megabus na pa-Masbate na kaninang ala una ng hapon at mamayang 4:45 ng hapon. Pati na rin ang pa-Davao city at Tagum City na byaheng Davao Metro Shuttle simula kaninang alas nueve ng umaga hanggang 2:00 ng hapon.
Kanselado rin ang byahe sa Laoang via Eastern Goldtrans kanina namang alas tres ng hapon.
Sa ngayon ayon sa PITX walang stranded na pasahero sa terminal pero pinapayuhan na ang mga byahero na bago pumunta sa terminal ay silipin muna ang mga byahe kung kanselado o hindi upang maiwasan ang aberya. | ulat ni Louisa Erispe