Bilang paghahanda sa inaasahang malakas na hangin at ulan na dala ng Bagyong “Inday,” naglabas ng memorandum si MMDA Chairman Atty. Don Artes. Humihiling ang ahensiya sa lahat ng shopping mall operators sa buong Luzon na buksan ang kanilang mga parking space para sa libre o overnight parking ng publiko.
Magsisimula ang inisyatibong ito ngayong gabi, Hulyo 9, at magpapatuloy hanggang sa tuluyang makalabas ng bansa ang bagyo. Layunin ng hakbang na ito na mabigyan ng ligtas na masisilungan ang mga sasakyan upang maprotektahan ang mga ito mula sa baha at iba pang pinsala ng panahon.
Lubos naman ang pasasalamat ng MMDA sa agarang pagtugon at kooperasyon ng mga mall operators para sa kaligtasan ng ari-arian ng publiko.
Pinapayuhan ang lahat na manatiling nakatutok sa mga opisyal na anunsyo ng mga mall sa kani-kanilang lokalidad at sa MMDA social media pages para sa karagdagang detalye.
