Tiyak na masusubukan ngayon ang mga natapos nang proyekto ng pamahalaan upang malabanan ang mga pagbaha sa tuwing bumubuhos ang malakas na ulan.
Ito ang inihayag ni MMDA Chairperson, Atty. Don Artes matapos maglabas ng mga babala ang ahensya hinggil sa epektong dulot ng Super Bagyong Inday, lalo na ngayong weekend.
Kabilang dito ani Artes ang mga napagana nang pumping stations sa Sunog Apog sa Lungsod Maynila gayundin ang rehabilitasyon ng Araneta avenue sa Quezon City.
Pero binigyang diin ni Artes, na disiplina pa rin sa pagtatapon ng basura ang susi upang maibsan ang mga pagbaha sa Metro Manila.
Samantala, hiniling na rin ni Artes sa mga may-ari ng mga mall sa Metro Manila na payagan muna ang overnight parking sa mga sasakyan bilang paghahanda sa paghagupit ng Super Bagyo.