Photo courtesy of Presidential Communications Office (PCO)
Nakakuha ang Pilipinas ng ₱8 bilyong investment pledges mula sa IT-BPM companies mula sa Canada.
Kabilang ang mga kumpanyang Blackberry, CGI, Everise, IntouchCx, Manulife, NQX, OpenText, Sun Life at TELUS sa nakapulong ng delegasyon ng Pilipinas sa Canada.
Ayon Trade Secretary Maria Cristina Roque, layon ng investment plans na lumikha ng dekalidad na trabaho, pabilisin ang digital transformation at palakasin ang posisyon ng Pilipinas bilang pinagkakatiwalaang global technology hub.
Dagdag nito, lumalawak pa ang workforce mula sa dating back-end capabilities at nagiging mahalagang katuwang ng global enterprises na nangangailangan ng skilled talent at AI-related operations.
Samantala, sa programang Boses, sinabi ni DFA Officer-in-Charge of the Office of Public Diplomacy Spokesperson Analyn Ratone, na higit pang mapapadali ang pagpasok ng IT-BPM investments mula Canada, sa pamamagitan ng Free Trade Agreement.